Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2018

ISULONG: TAMANG PAG AARUGA SA LAHAT NG BATA

ISULONG: TAMANG PAG AARUGA PARA SA LAHAT NG BATA        Maraming napapabalitang mga batang kawatan kung hindi pagala gala sa lansangan, nasa bahay ng amo at nag tratrabaho, at nahihirapan. Marami na ring kaso ng mga batang ina at batang ama na nakasira sa kinabukasan ng kabataan. Isa sa mga dahilan nito ay ang pagkukulang ng aruga ng mga magulang.       Ngayon ay gustong isulong ng gobyerno ang pag- aaruga gamit ang temang, isulong tamang pag-aaruga para sa lahat ng bata. Lahat ng mga bata ay nangangailangan ng aruga dahil likas na sa kanila na hanapin ito sa kanilang pamilya. Sa tamang pag-aaruga malalayo sa kapahamakan ang kabataan at maiiwasan ang pagtungo nila sa maling daan.       "Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan" katagang binitawan ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal na hindi matutupad kung di natin gagabayan ang kabataan.